How to produce magic in a story?
It’s been an
hour and I can do nothing but to keep staring at a blank sheet of paper. I
don’t know how to start writing a story or a review, ito na ba ang tinatawag
nilang ‘Writers Block’?
Ang
totoo niyan gusto kong gumawa ng isang istorya tungkol sa isang supladang babae
at weird na lalaki pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan, kagaya ng mga
istoryang nagawa ko na ay maaaring hindi ko na din ito ituloy habang nasa
kalagitnaan pa lang sa kadahilanang nawala nalang bigla yung apoy na nag-uudyok
sa aking ipagpatuloy ang kwento at ang ending nawalan na ng twist ang istorya
at naging boring.
Paano
ko nga ba mapapanatiling buhay ang isang istorya? Paano ba magiging kaakit-akit
ito sa mga mambabasa? Paano mo ba mapapanatili ang mga mambabasa mo hanggang sa
matapos ang kwento? Marami ang mga manunulat na gustong malaman ang mga
kasagutan sa mga tanong na iyan. Gusto ko man i-search sa Google ang mga sagot
pero naglalaban ang utak at puso ko. Gusto ng utak ko na mag-search na lamang
at gusto ng puso ko na analisahin ko ang mga bagay-bagay para mahanap ang mga
sagot pero hindi pwedeng mamili ako ng isa sakanila dahil mawawalan ng saysay
sa mga bagay-bagay kung isa lang sakanila ang paiiralin ko kung kaya`t naisipan
kong pagsamahin ang dalawa.
Kung
hindi mo ako kilala nasisiguro kong mabo-bored ka at iko-close mo na ang rant
na ito pero dahil alam kong kailangan mo ito para ma-enhance ang kaalaman mo
susubukan kong gawing kaaliw-aliw ang bagay na ito.
Una
sa lahat, sa pagsusulat ng isang kwento kailangan mo ng almusal. Sa
paga-almusal ba palaging isa lang ang nakahain? Diba gusto mo may dalawa at
tatlong putahe? Ganoon din sa kwento, hindi mo pwedeng hainan ang mambabasa mo
ng iisang putahe lang. Kailangan mong maging karinderya na nagbibigay ng mga
twist sa bawat putahe, kailangang ang-ayunan ka ng mambabasa mo, kailangan
nilang maging curious sa istoryang ginagawa mo.
Ikalawa,
bigyan mo ng compelling syndrome ang mamababasa mo, kailangang ma-attach siya
sa kwento, kung kailangang patayin at buhayin mo ang bida gawin mo. In that way
makakakuha ka ng response sakanila, bad or good it’s still a response, alam mo
na sa point na ‘yon emotionally attached na sila sa mga karakter ng istorya mo.
Ikatlo
at bago ka pa mawalan ng mambabasa, bigyan mo ng kapahingahan ang bida mo bago
mo siya bigyan ulit ng pagsubok, kailangan hindi ka nawawalan ng problemang
ibibigay sakanya at kung gusto mong manghingi ng problema sakin bibigyan kita,
ilan ba? Well, depende sa`yo yan kung hanggang kailan mo kayang patakbuhin ang
istorya mo.
Kahit
na alam ko na ang mga bagay na `yan, hindi parin nawawala ang Writers Block ko
dahil ang bagay na iyon ay kusa na lamang dumadating sa mga manunulat.
Oppppsss! Wait? Writer ako? Dahil may Writers block ako ngayon? Anbelibabol!
Ikaw na ang bahalang humusga.
The Ranter x Ranter hehehe kumusta Venice? :)
TumugonBurahinHahahaha. Buhay pa, Fie. I miss you. :*
TumugonBurahinHahahaha. Buhay pa, Fie. I miss you. :*
TumugonBurahin