Miyerkules, Hulyo 15, 2015

Ang maalam na Rant #11

How to produce magic in a story?


It’s been an hour and I can do nothing but to keep staring at a blank sheet of paper. I don’t know how to start writing a story or a review, ito na ba ang tinatawag nilang ‘Writers Block’?

                Ang totoo niyan gusto kong gumawa ng isang istorya tungkol sa isang supladang babae at weird na lalaki pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan, kagaya ng mga istoryang nagawa ko na ay maaaring hindi ko na din ito ituloy habang nasa kalagitnaan pa lang sa kadahilanang nawala nalang bigla yung apoy na nag-uudyok sa aking ipagpatuloy ang kwento at ang ending nawalan na ng twist ang istorya at naging boring.

                Paano ko nga ba mapapanatiling buhay ang isang istorya? Paano ba magiging kaakit-akit ito sa mga mambabasa? Paano mo ba mapapanatili ang mga mambabasa mo hanggang sa matapos ang kwento? Marami ang mga manunulat na gustong malaman ang mga kasagutan sa mga tanong na iyan. Gusto ko man i-search sa Google ang mga sagot pero naglalaban ang utak at puso ko. Gusto ng utak ko na mag-search na lamang at gusto ng puso ko na analisahin ko ang mga bagay-bagay para mahanap ang mga sagot pero hindi pwedeng mamili ako ng isa sakanila dahil mawawalan ng saysay sa mga bagay-bagay kung isa lang sakanila ang paiiralin ko kung kaya`t naisipan kong pagsamahin ang dalawa.

                Kung hindi mo ako kilala nasisiguro kong mabo-bored ka at iko-close mo na ang rant na ito pero dahil alam kong kailangan mo ito para ma-enhance ang kaalaman mo susubukan kong gawing kaaliw-aliw ang bagay na ito.

                Una sa lahat, sa pagsusulat ng isang kwento kailangan mo ng almusal. Sa paga-almusal ba palaging isa lang ang nakahain? Diba gusto mo may dalawa at tatlong putahe? Ganoon din sa kwento, hindi mo pwedeng hainan ang mambabasa mo ng iisang putahe lang. Kailangan mong maging karinderya na nagbibigay ng mga twist sa bawat putahe, kailangang ang-ayunan ka ng mambabasa mo, kailangan nilang maging curious sa istoryang ginagawa mo.

                Ikalawa, bigyan mo ng compelling syndrome ang mamababasa mo, kailangang ma-attach siya sa kwento, kung kailangang patayin at buhayin mo ang bida gawin mo. In that way makakakuha ka ng response sakanila, bad or good it’s still a response, alam mo na sa point na ‘yon emotionally attached na sila sa mga karakter ng istorya mo.

                Ikatlo at bago ka pa mawalan ng mambabasa, bigyan mo ng kapahingahan ang bida mo bago mo siya bigyan ulit ng pagsubok, kailangan hindi ka nawawalan ng problemang ibibigay sakanya at kung gusto mong manghingi ng problema sakin bibigyan kita, ilan ba? Well, depende sa`yo yan kung hanggang kailan mo kayang patakbuhin ang istorya mo.


                Kahit na alam ko na ang mga bagay na `yan, hindi parin nawawala ang Writers Block ko dahil ang bagay na iyon ay kusa na lamang dumadating sa mga manunulat. Oppppsss! Wait? Writer ako? Dahil may Writers block ako ngayon? Anbelibabol! Ikaw na ang bahalang humusga.

Huwebes, Mayo 28, 2015

Ang Risk Taker na Rant #10

“The Risk Taker and The Ranter”

I picked a random Psychology student and asked him, what is the deeper meaning of the word risk taker? And he answered me “Hindi ko po alam”. I really don`t know why I’m so eager to learn the meaning behind the word ‘risk taker’. Is it only me or it really has an unfathomable meaning behind that fighter word, maybe like that student, I also don’t know.

                                I am once a Nursing student, why did I choose that course? Maybe because it`s my Mother’s dream for me or maybe that course is meant for me, but I was wrong that time because that course just took  one year of my life, I won’t say that I waste my time to that course but I regret writing it on my application form. For a year, all I did was to study human body but it also made me happy at some point because I saw my best of friend during that year.



                After a year, I decided to shift my course from Nursing to Mass Communication, Broadcasting without the knowledge of my parents, I put all my courage filling up that form and writing Broadcasting as my first choice. During my application, my Mother learned that I shifted my course and she didn’t even utter a single protest to it that’s why I think she`s cool to it, but suddenly I received a silent treatment that lasted for a month.

                Even though I don’t know if I’ll pass that time, I still took the risk because I know that, that time is a do or die choice, it will give a big impact to my future and fortunately I passed the shifters exam, I don’t know if I became a risk taker with that simple act.

                As I wake up with a degree of my dreams I actually realize that yes, I am a risk taker. It’s a process of a decision wherein you need to sacrifice a thing and do what you want without even an assurance. I sacrifice the dream of my loving parents just to achieve my own and yes, I can call myself a selfish asshole for that, but that can hinder me from reaching my dreams and doing what I want because I didn’t regret disobeying my parents, not now that I know that they are happy for me finishing my course and contented seeing me walking to the stage wearing my Academic Gown and getting my Diploma.




                It’s worth the wait and the fight. Watch me finding my dream job and fighting all the hindrance that may come into my way.

Mapangbatikos na Rant #9

“Batikos”

Sa umpisa lang kayo magaling, papagawa ng kalsadang ayos naman, ipapasira `yung tulay na maayos. Kailan kaya magiging payapa ang takbo ng Gobyerno?

                Tuwing panahon ng eleksyon puro mukha niyo ang  nakikita. “Vote for..”, “Para sa pagbabago..”. Pagbabago niyo mukha niyo dahil hanggang ngayon ay wala paring pagbabago sa sistema ng Gobyerno. Talamak pa rin ang mga taong kurakot.

                Nasaan na ang issue ng pork barrel fund? Nawala na at ni hindi ko na nakikita sa telebisyon. Oo at naging malaking issue `yon pero kung tutuusin isa parin iyong must-see news kaya dapat ay umeere pa rin ang mga ganoong balita.



                Nasaan na ang issue ng Fallen 44? Sigurado ba kayo na nabigyan na sila ng hustisya at natatahimik na ang kanilang mga kaluluwa sa kabilang buhay? Namatay at nahuli ang may kasalanan, hanggang doon na lang ba `yon?

                Bakit natalo si Pacquiao? Kung yakap lang naman ng yakap si Mayweather sa ating Congressman. Sabihin man nating mali ay hindi pa rin naging unfair ang laban dahil alam ng lahat na iyon ay isang etratehiya para manalo sa laban.

                Tuwing magkakaroon live airing ng meeting ng Kongreso sa balita, naririnig mo ang mga tawag nila sa mga nakahalal. Honorable? Mas dapat atang itawag iyan sa mga magsasakang hanggang ngayon ay hindi parin nakukuha ang lupang para sakanila. Mas nararapat itawag `yan sa mga taong nagtatrabaho at nagbabayad ng buwis sa Gobyerno.



                Para saan ito? Wala lang, trip lang, kagaya ng mga trip ng ibang taong nagmamalinis at ipinapasa sa iba ang kasalanan nila kahit na kitang-kita naman sa ebidensya na sila ang may kagagawan. Isang mapagkunwaring lipunan, hanggang kailan kaya kita matitiis?

                Sa susunod na halalan ay iboto niyo po ako. Bining para Presidente, “Presidente ng mga luhaan sa pag-ibig”.

                

Sharing Rants #8

“Sharing”

“Pa-share?” `Yan ang gusto kong sabihin sa katabi ko sa jeep habang todo ang pagpa-party niya sa lakas ng earphones niya. Sa katunayan lalaki siya at gwapo kung tutuusin, pero magugulat ka pag narinig mo ang tumutunog sa earphones. Wrecking ball ang tugtog, hindi naman sa judgemental ako pero mukhang madi-dislocate na kasi ang balikat niya kayuyugyog at hindi pa doon nagtatapos, nang akmang iaabot niya na ang bayad kulang na lang ay mapa-ismid ako dahil mas matinis pa ang boses niya sakin.



                “Pa-share?” Gutom na gutom na`ko ng mga oras na `yon dahil katatapos lang namin mag-shoot ng Documentary para sa isang major subject ng aking kurso nang may makita akong kumakain ng lunch sa may malapit sa pinagmi-meeting-an namin at nabighani ako sa ulam niya, sinigang lang naman, ang all-time favorite ng mga Pilipino. Lalapitan ko na sana siya para tanungin kung saan niya iyon nabili ng biglang nagtanong ang ka-grupo ko kung anong pakulo ang dapat naming gawin, napurnada ang dapat na pagtatanong ko at tiniis ko nalang ang gutom.

                “Pa-share?” Uhaw na uhaw ako noon at kagagaling ko lang sa pagja-jogging sa labas ng dorm nang madaan ako sa isang tindahan at nakita ko Kuyang nagja-jogging din at may dalang aso kasabay ng pagbili niya ng Coke. Umandar na naman ang kakapalan ng mukha ko at gusto ko sanang manghiram ng pambili ng Coke para maibsan ang uhaw ko at bayaran ko nalang siya pagdating sa dorm ko pero tinablan ako ng hiya kaya kahit ang linya kong  pa-share ay hindi ko naisantinig. Goodbye Coke ang naging drama ko at umuwi nalang ng dorm para uminom ng tubig.




                Lahat ng bagay pwedeng i-share, ikaw ba ano ng nai-share mo? Pareho lang tayo ng hanging hinihingahan kaya wag kang madamot lalo na sa mga nakikita mong tunay na nangangailangan. Buksan mo ang iyong mga mata at bigyan mo ng tulong, kung kaya mo ay ba`t hindi mo gawin. Alam ko walang kaugnayan ang mga drama kong pa-share sa inira-rant ko ngayon, pero balang araw malalaman mo ang lihim na kahulugan niyan pag ikaw mismo sa sarili mo ang nag-share.

Mapanghusgang Rant #7

"Disgrasyada"


“Buntis ka pala?”

“Hindi ko akalaing mabubuntis ka. Validictorian ka noong Elementary tayo di ba?”

“Alam mo ba, buntis na daw si ganito? Tapos tinakasan daw nung Tatay ng bata.”



                Nakakatawang isipin na marami talaga sa mga tao ngayon ang lubos na mapanghusga, kung sino pa ang kaibigan mo, kung sino pa ang kamag—anak mo at kung sino pa ang mga pinagkakatiwalaan mo ay sila pa ang maninira sa`yo.

                Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na marami ngayon ang nabubuntis ng maaga, pero sapat na ba ang dahilang iyon para husgahan sila at pagtsismis-an habang nagma-majong kayo ng mga kumare mo sa sugalan? Naitanong mo ba sa kanila kung bakit nangyari `yon? Narinig mo ba ang kwento ng buhay nila para husgahan mo sila ng ganon- ganon na lang?



                Naisip mo ba na bawat salitang namumutawi sa bibig mo ay maaaring makasakit at makapatay ng tao? Ilagay mo ang sarili mo sa sitwasyon nila at organisahin ang mga bagay na magagawa kung sakaling sa`yo mangyari ang bagay na `yon.

                Ilagay mo sa lugar ang mga sinasabi mo. Anong masama kung batang ina siya? Hindi mo siya dapat husgahan dahil lang sa kamaliang nagawa niya kung nagpupursige pa rin naman siyang maiahon ang sarili niya sa putikan at maging matagumpay. Anong masama kung single mother siya? Dapat pa nga siyang parangalan dahil naitaguyod niya ang kanyang anak ng mag-isa.




                Wala na tayo sa makalumang panahon ngunit hindi ko din sinasabi na okay lang magpabuntis ng maaga, ang sa`kin ay hindi tayo mga mangmang para manghusga sa mga taong hindi karapatdapat hiyain. Hindi lahat ng maagang nabubuntis ay malandi o masamang babae, huwag mong pakialaman ang mga bagay na wala ka namang kinalaman. Bow. 

Sabado, Mayo 2, 2015

Nagfi-feeling Writer na Rant #5

"A Jobless Blogger"

Before, I thought writing bores the hell out of me because I thought that I am not meant to do this thing. I didn`t excel in it. It takes a lot of effort to write, you need to think, think and think, and I was like, “Duh? I`m not that good in Writing but why am I doing this thing?”, “For money? Of course not, I’m not earning while creating things for my blog.”

I’m like a scared cat. Afraid of knowing that my grammar is wrong and others might criticize my works. I’m troubled that someone may plagiarize my work although I know that I am not that good, I’m still anxious. I can`t write a lot every time I think that I am not good enough to create an article. I want my concepts to be unique, I don`t care if I don`t have any readers, all I want is to release my stress through writing. 


I can`t finish a book or even a novel, I’m just a little dreamer who wishes to write a whole length story for my friends and for those people who criticize me ever since I’m still a grade school student. I don`t have any grudges to those people, I set them as my inspiration that`s why I pursue writing things like this one. For them it`s just a waste or an empty folder that needs to be recycled. At least I got that feeling of being reprocess, recovered to be a nice catch.

I realized that in writing you don`t need to be smart, intelligent, genius or any other words just to describe being a walking dictionary, you just need to be hardworking and be you. As for me to grow I’m now doing some researches, Interviews, reading a lot of books and brainstorming ideas. For the record, I’m not a diligent person; I usually sleep, eat, surf, eat, and sleep. That`s my life while waiting for my dream job to hire me. I forgot to mention that I am also doing two things just to escape in my boring life. I write things like this and create some segments that might air on the television. Yes, you`re right. I’m not smart but at least I am a degree holder and I finished two courses plus a year being a Nursing student.


From now on, I`ll exert more effort to prove that writing is not boring, not hard, and not a non-sense thing. I will write things that might help you think that writing is a fun thing to do. I will help you discharge those not-so-good moments in writing by means of letting you see how cool it is to write, not thinking about wrong grammars, spellings, and criticisms just letting go of those frustrations that you`ve been through and pleasuring yourself by means of writing.

I’m planning to inspire, give some advises and give myself a chance to enhance my knowledge and comprehension skills. Am I doing some charitable things? No, because I’m doing this things for myself.


Now, I know what`s on your mind. You`re thinking that I am a boring person because I write things like this, but think again, think, think, and think. Yeah, what a boring life I have. I’m a boring jobless girl. Kidding.

Mapangaraping Rant #4

"Dream Dad este Dream Job"

“Isa akong fresh graduate na ang pangarap ay maging Producer.”

                Sa ngayon ay wala akong trabaho, tanong mo sa`kin kung bakit. Oh well, kahit hindi mo itanong sasabihin ko pa rin dahil blog ko `to. Gago kasi ako.

                I applied for the position of Account Executive on Job Street for almost 20 times, I thought it`s the best job that suits me. Nagulat ka no? English pa `yan para ramdam mo na pang-Account Executive ang dating, pero hanggang diyan nalang `yan. Hindi kasi pang-Account Executive ang Lola mo, dahil bobo ako sa Math at ayoko ng mga trabahong buburuhin lang ako sa opisina.



               April 23, 2015, nag-apply ako sa isang station na sobrang gustong-gusto ng Mama ko, itago nalang natin sa pangalang “DMUW 93”. Habang nasa jeep ako isa lang ang nasa isip ko noon “Saan ba `yon? Pag ako naligaw mangangamoy araw ako.” Ang init kasi nang mga oras na iyon. Para sure tinawagan ko `yung kaibigan ko tinanong ko siya, “Brad, saan `yong DMUW 93?” May sinabi siyang establishment, sinunod ko naman siya pero dahil may balat ako sa pwet, the situation made what my mind thinks of, in short “NALIGAW PO AKO” binaba ako ni Manong Driver sa may Intersection. Tinawagan ko ulit `yung kaibigan ko at tinanong ko kung saan ako, sabi niya lumagpas daw.

                Para makasigurado na`ko naglakad ako pabalik para mahanap ang DMUW 93, buti nalang naka-rubber shoes ako kundi napaltos na paa ko sa mga lintik na heels. Iniisip mo siguro na para sa maga-apply ng trabaho napakainappropiate ng rubber shoes ko para matuwa ka sasabihin ko na din sa`yong naka-tee shirt ako na may checkered na long sleeves at fitted jeans na tupi ang ilalim na parang gagala lang. Tigilan mo `yang pagkunot ng noo mo, `yun ang gusto kong isuot dahil doon ako mas komportable.

                Habang naglalakad ako may naalala ako, kaka-facial mask lang pala ng mukha ko pero sinuugod ko na sa katirikan ng araw. Iba talaga ang kagaguhan ko. Dahil sa iniisip ko ang mukha kong di kagandahan natapilok ako kasabay ng may nagtext sakin “Good day! This is from *medyo big company*. We received your application and we would like to consider...” Napaisip ako kung tutuloy ko pa ang pag-aapply sa DMUW 93 pero dahil nakita ko na `yung Building tinuloy ko na, nagpasa ako ng Resume at nag-fill up ng application form kasabay narin ng pagbati ko sa mga kakilala ko. P.S. Hindi ako peymus, mga kaibigan ko po talaga sila. Pag-alis ko ng building wala akong makitang pedestrian lane, hindi ko naman isuugal ang buhay ko sa mahabang kalsada na `yon kaya naisipan kong maglakad ng lang papuntang Mall kasi kung sasakay ako ng jeep kakailanganin ko munang tumawid.



               Habang naglalakad ako iniisip ko kung ano bang mas magandang trabaho, `yun bang naghihintay sakin, `yung nagtext o `yung inapply-an ko palang. “BEEEEEP!” Sorry sa lame na sound effects pero bumusina lang po `yung Victory Liner na Bus habang padaan sakin, sabog confetti este sabog eardrums. Kulang nalang murahin ko `yung Driver, pasalamat ka kuya hindi ko natandaan plate number mo kundi isusumbong kita sa LTFRB. Pero thank you din Kuyang Driver kasi dahil `yung busina mo ang naging wakeup call ko. `Yung businang `yon ang dahilan kung bakit ko dinecline `yung text na nareceive ko at napagdesisyunang hintayin ang text nang trabahong inapply-an ko sa araw na `yon.

                Naging steady na ang utak ko at naalalang pangarap ko nga palang maging Producer, hindi man Producer ang umpisa ko alam ko sa sarili kong doon parin ako papunta. Lahat naman kailangan dumaan sa hagdan pag sira ang elevator. Para sakin shortcut ang elevator, lahat ng mabilis umangat, mabilis ding bumabagsak.  Sa building na `yon nasa Fourth Floor ang pangarap ko, maghahagdan muna ako base a kakayahan ko, bawat hagdan may stop over para matuto ako and I`m willing to take that stop over, for me to get my dream. Ow yes! Ang lalim.



                `Yun ang istorya ng kagaguhan ko. Sabi nga nung kaibigan ko, “Gaga ka, ba`t hindi mo pa tinanggap `yung isa.” Sabi ko naman, “Kilala mo `ko. Pag gusto ko gusto ko, gumagawa ako ng paraan para makuha `yung gusto ko, kung noong internship nga naka-tatlong pasa ako ng Resume dahil dun ko gustong mag-OJT, dito pa kaya sa Dream Job ko?”



             Sa tingin mo ba gago ko dahil hindi ko tinanggap `yung ibang trabaho at gusto kong mag-stick to one?

                Uulitin ko ang mga sinabi ko sa itaas, “Isa akong fresh graduate na ang pangarap ay maging isang Producer”. Isa pa, “Sa ngayon ay tambay din akong maituturing dahil umaasa ako sa mga magulang ko habang nagta-type ng mga rants na pampatanggal ng boredom habang kumakain ng Chichirya ay paubos na ang ipon ko na pangsustentong tambay.

P.S. Sorry for those offensive words like “gago”.