"Dream Dad este Dream Job"
“Isa akong fresh graduate na ang pangarap ay maging
Producer.”
Sa
ngayon ay wala akong trabaho, tanong mo sa`kin kung bakit. Oh well, kahit hindi
mo itanong sasabihin ko pa rin dahil blog ko `to. Gago kasi ako.
I
applied for the position of Account Executive on Job Street for almost 20
times, I thought it`s the best job that suits me. Nagulat ka no?
English pa `yan para ramdam mo na pang-Account Executive ang dating, pero
hanggang diyan nalang `yan. Hindi kasi pang-Account Executive ang Lola mo,
dahil bobo ako sa Math at ayoko ng mga trabahong buburuhin lang ako sa opisina.
April 23, 2015, nag-apply ako sa isang station na sobrang
gustong-gusto ng Mama ko, itago nalang natin sa pangalang “DMUW 93”. Habang
nasa jeep ako isa lang ang nasa isip ko noon “Saan ba `yon? Pag ako naligaw
mangangamoy araw ako.” Ang init kasi nang mga oras na iyon. Para sure tinawagan
ko `yung kaibigan ko tinanong ko siya, “Brad, saan `yong DMUW 93?” May sinabi
siyang establishment, sinunod ko naman siya pero dahil may balat ako sa pwet,
the situation made what my mind thinks of, in short “NALIGAW PO AKO” binaba ako
ni Manong Driver sa may Intersection. Tinawagan ko ulit `yung kaibigan ko at
tinanong ko kung saan ako, sabi niya lumagpas daw.
Para
makasigurado na`ko naglakad ako pabalik para mahanap ang DMUW 93, buti nalang
naka-rubber shoes ako kundi napaltos na paa ko sa mga lintik na heels. Iniisip
mo siguro na para sa maga-apply ng trabaho napakainappropiate ng rubber shoes
ko para matuwa ka sasabihin ko na din sa`yong naka-tee shirt ako na may
checkered na long sleeves at fitted jeans na tupi ang ilalim na parang gagala
lang. Tigilan mo `yang pagkunot ng noo mo, `yun ang gusto kong isuot dahil doon
ako mas komportable.
Habang
naglalakad ako may naalala ako, kaka-facial mask lang pala ng mukha ko pero
sinuugod ko na sa katirikan ng araw. Iba talaga ang kagaguhan ko. Dahil sa
iniisip ko ang mukha kong di kagandahan natapilok ako kasabay ng may nagtext
sakin “Good day! This is from *medyo big company*. We received your application
and we would like to consider...” Napaisip ako kung tutuloy ko pa ang
pag-aapply sa DMUW 93 pero dahil nakita ko na `yung Building tinuloy ko na,
nagpasa ako ng Resume at nag-fill up ng application form kasabay narin ng
pagbati ko sa mga kakilala ko. P.S. Hindi ako peymus, mga kaibigan ko po talaga
sila. Pag-alis ko ng building wala akong makitang pedestrian lane, hindi ko
naman isuugal ang buhay ko sa mahabang kalsada na `yon kaya naisipan kong
maglakad ng lang papuntang Mall kasi kung sasakay ako ng jeep kakailanganin ko
munang tumawid.
Habang naglalakad ako iniisip ko kung ano bang mas magandang
trabaho, `yun bang naghihintay sakin, `yung nagtext o `yung inapply-an ko
palang. “BEEEEEP!” Sorry sa lame na sound effects pero bumusina lang po `yung
Victory Liner na Bus habang padaan sakin, sabog confetti este sabog eardrums.
Kulang nalang murahin ko `yung Driver, pasalamat ka kuya hindi ko natandaan
plate number mo kundi isusumbong kita sa LTFRB. Pero thank you din Kuyang
Driver kasi dahil `yung busina mo ang naging wakeup call ko. `Yung businang
`yon ang dahilan kung bakit ko dinecline `yung text na nareceive ko at
napagdesisyunang hintayin ang text nang trabahong inapply-an ko sa araw na
`yon.
Naging
steady na ang utak ko at naalalang pangarap ko nga palang maging Producer,
hindi man Producer ang umpisa ko alam ko sa sarili kong doon parin ako papunta.
Lahat naman kailangan dumaan sa hagdan pag sira ang elevator. Para sakin
shortcut ang elevator, lahat ng mabilis umangat, mabilis ding bumabagsak. Sa building na `yon nasa Fourth Floor ang
pangarap ko, maghahagdan muna ako base a kakayahan ko, bawat hagdan may stop
over para matuto ako and I`m willing to take that stop over, for me to get my
dream. Ow yes! Ang lalim.
`Yun
ang istorya ng kagaguhan ko. Sabi nga nung kaibigan ko, “Gaga ka, ba`t hindi mo
pa tinanggap `yung isa.” Sabi ko naman, “Kilala mo `ko. Pag gusto ko gusto ko,
gumagawa ako ng paraan para makuha `yung gusto ko, kung noong internship nga
naka-tatlong pasa ako ng Resume dahil dun ko gustong mag-OJT, dito pa kaya sa
Dream Job ko?”
Sa tingin mo ba gago ko dahil hindi ko tinanggap `yung ibang
trabaho at gusto kong mag-stick to one?
Uulitin
ko ang mga sinabi ko sa itaas, “Isa akong fresh graduate na ang pangarap ay
maging isang Producer”. Isa pa, “Sa ngayon ay tambay din akong maituturing
dahil umaasa ako sa mga magulang ko habang nagta-type ng mga rants na
pampatanggal ng boredom habang kumakain ng Chichirya ay paubos na ang ipon ko
na pangsustentong tambay.
P.S.
Sorry for those offensive words like “gago”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento