Sabado, Mayo 2, 2015

Mapangahas na Rant #1

                              "Nang dahil sa ako ang napansin" (Kwento ng Pakikipagdigma)


  Nag-aaral ako sa isang Unibersidad sa Bulacan, gaya ng isang normal na paaralan kailangan magsuot ng uniporme araw-araw ngunit dahil sa wala naman akong pasok at may photoshoot lamang kami sa loob ng school, nagsuot ako ng palda dahil iyon ang kinakailangan. Papasok na sana ko ng gate nang hinarang ako ng Guard, ayon na din sa kanyang trabaho naintindihan ko kung bakit niya ko hinarang, sinabi ko sakanya ang aking dahilan pero ang ginawa niya ay iminuestra ang kanyang kamay na parang nagpapa-alis ng aso at sinabi ang salitang ‘Alis’, `yun ang ginawa niya pero nakakabastos ang paraan ng pagpapa-alis niya.
                Umalis ako, pero nang maisip ko na hindi tama ang ginawa niya at valid ang rason ko, bumalik ako ng makasalubong ko ang mga kaklase ko. Ganun pa rin ang muestra ng kamay niya ng magbalak ulit akong pumasok. Sinubukan ko ulit maki-usap at kahit na may inis na sa akin ay gumagamit parin ako ng po at opo pero ang masaklap, habang nanahimik na ako ay paulit-ulit pa rin ang sinasabi niya na hindi daw valid ang rason ko at kung ano- ano pa. Habang kinukuha at fini-fill up-an na niya ang slip kasabay ng pahinto-hinto niyang pagsulat ay ang walang tigil na pagalit na sermon niya sakin na kung tutuusin ay pang-limang beses na niyang sinabi kaya’t napilitan ulit akong magsalita dahil na rin sa late na kami ng isang oras ng mga kaklase ko, ang sabi ko sakanya ay ‘Kuya, okay na po’ pero huminto siya sa pagsusulat ng slip at nagalit, sabi niya ‘Pagbibigyan na sana kita e’. Naalarma naman ako sabi ko ay ‘Paano po ako makaka-photoshoot?’ Sabi niya ay ‘Wala akong pakialam’ at binalingan niya ang mga kaklase ko habang sinasabing ‘Iwanan niyo na `to’, hindi naman ako iniwan ng mga kaklase ko sa kadahilanang alam nilang ako’y napagbubuntungan lang ng Guard. Inulit `ko ang tanong ko sa Guard ‘Paano po ako makaka-photoshoot?’ Kinuha niya ang ID ko at dinala sa Guard House at sinabing ‘Doon ka sa loob’.

              
                Sa loob ng Guard House ay nakausap ko ang Head nila. Sinabi ko ang rason ko ngunit hindi rin ito nakinig at katulad ng naunang Guard, kinuha niya ang COR ko at tinanong ang Affiliations ko pa sa Unibersidad, sinabi ko na ‘Part-timer po sa ganitong Office’. Tinawagan niya ang Office na `yon at sinabihan ang Head. Ang akin lang ay bakit kailangan tawagan ang pinagtatrabauhan ko na wala naman kinalaman sa pagpapalda ko ng araw na iyon. Nainis ako pero hindi nalang ako kumibo pero nagpanting ang tenga ko nang bantaan ako ng ‘NAKU BAKA HINDI KA PA MAKA-GRADUATE NIYAN’ nasagad na ang power meter ng anger ko. Ngumiti nalang ako at sinabing ‘Bakit naman po?’ hindi sila sumagot at dahil alam kong tama ako pinabayaan ko nalang. Binigyan ako ng slip at ang nakalagay doon ay ‘Violation for wearing a short skirt’ sa katunayan ay hindi naman maiksi ang palda ko, mayroon nga akong nakikita sa loob ng school na naka-uniform nga pero ang palda niya ay hanggang sa ilalim lang ng pwet pero dahil sa maganda siya ay pinapapasok siya, ba`t alam ko? Dahil lagi ko siyang nakikita sa Kolehiyo namin.

                Noong magpunta ako sa Opisina ng Dekano ng Kolehiyo namin para ipapirma ang slip (kailangan kasing papirmahan iyon para makuha ang ID ko, pero kailangan mo munang maglinis ng Corridor okaya naman ay Office) Nang ipapapirma ko na kay Dean sinabi niya sa ako na ‘VALID NAMAN ANG REASON MO A?’ At pinirmahan ang slip kasabay ng pag pagno-note na papasukin ang lahat ng mga kaklase ko sa araw na iyon dahil may photoshoot kami.

                Una po sa lahat hindi po ako bastos katulad ng ibang mga estudyante na binabastos ang mga Guard, pinalaki po ako ng mga magulang ko na may galang. Para po bastusin niyo ko ng ganon at itaboy na parang hayop, hindi po ba’t nakakadegrade po iyon sa pagkatao ko?

                Pagdating ng Sabado marami akong nakitang mga estudyanteng nakapalda ng mas maikli pa sa palda ko at mayroon pa ngang mga mga naka-pekpek shorts. Manong Guard? Nasan na po ang mga sinasabi niyong nakasaad sa manual? Nasaan na po `yung mga pinagsasabi niyo sakin na bawal magpalda? Ano po bang rason nila at nakapasok po sila? Mas valid po ba sa rason ko kaya’t nakapasok sila? Hindi lang po sampu ang nakita kong nakapalda at short. Ganun po ba talaga? May dikriminasyon? At base po sa nakita ko halos magaganda po `yung mga nakapalda at short. Manong guard na ang apelido ay De Guzman, ano pong sinabi nila sa`yo para makapasok? At ano din pong karapatan niyong paalisin ako na parang hayop? Alam niyo po ba na gusto ko magdemand na alisin po kayo sa trabaho niyo pero inaalala ko po ang pamilya niyo? Sana sa suunod makinig po kayo sa rason ng mga estudyante.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento