PLOT TWIST: Hindi ako Writer
“In writing, meaning is more important than form.” –Mr.
Santos, Research Instructor
Sa
totoo lang kinaiinisan ko ang pagsusulat, `yun bang tipong tinatamad ako pag
ginagawa ko `yung bagay na `yon. Nabo-bored ako kasi feeling ko walang
lumalabas na magandang bagay mula sa utak ko. Hindi ako makasulat ng mabilis,
`yun bang tipong makakatapos ako ng article within 30 minutes, feeling ko ang
tagal na, na para bang naka-limang oras lang akong naka-upo habang walang ibang
ginagawa kungdi pigain `yung utak ko.
Pero alam mo ba kung ano `yung twist:
Dati `yon.
Sa
tanang buhay ko hindi ko inisip na magiging writer ako, tuwing pinapagawa kami
nang composition noong High School feeling ko pinagbagsakan ako ng mundo. “Wala
na naman akong masusulat. Puro kagaguhan.” Pigang-piga `yung utak ko noon, sino
ba namang gustong magsulat ng mga ginawa mo noong bakasyon? Paano pa sa`kin na
kailangan umimbento ng mga kwento para lang matapos ang komposisyong `yon.
Hello? Pagtatambay lang po ang ginawa ko noong bakasyon, paano ko pahahabain
`yon, `yung bang tipong back to back ng isang mahabang Yellow Pad. Kung hindi
ko lang iniisip `yung grades ko ng mga panahong `yon ang isusulat ko talaga ay
“What I did was eat, sleep, eat sleep, internet surfing and sleep again. The
End.” Baka ang maging plot twist ng buhay ko ay 30 years old akong gumraduate
ng High School.
Siguro naguguluhan ka na kasi sinasabi ko `yung mga bagay na
`yon habang sinusulat ko `to. Iniisip mo din siguro ngayon na naging Writer ako.
Sad to say pero ang isang malaking plot twist ng komposisyong ito ay hindi po
Writer ang trabaho ko. Isa po akong tambay ngayon na umaasa sa mga magulang ko
habang naghahanap ng trabaho at sinusulat ang rant na ito dahil sa sobrang
pagka-boring. Sorry, wala bang tumama sa hula mo? Wag kang mag-alala, sa
susunod ipapabasa ko sa`yo `yung mababaw kong rants para ma-hit mo agad ang
jackpot.
Akala
mo ba tapos na kasi sinabi ko ng hindi mo na-hit ang 1 million dahil mali ang
hula mo na hindi Writer ang propesyon ko? Hindi pa, kasi aamin ako sa`yo na nagsusulat
ako ng mga kwento sa Wattpad pero puro kagaguhan `yung laman pero hindi rin
ibig sabihin noon na Writer ang propesyon ko, in short hindi no`n mababago ang
katotohanang tambay pa rin ako.
Sa pagsusulat ko ng rant na ito wala akong sinunod na format
kagaya nang ginagawa ko nung High School na Beginning, Body at Conclusion, kaya
siguro madalas akong talo noon sa mga Writing Competition kasi tatlong
paragraph lang ang lagi kong ginagawa kasi `yun ang sabi sakin na magandang
gawin. Naniwala ako sakanila, lagi kasi akong sumusunod sa mga rules, mabait
kaya ako. Pero noong nag fourth year College ako, isa ata ako sa mga pasaway,
siguro nagsawa na `ko sa kakasunod sa mga rules. Ikaw ba `di ka nagsasawa? Pustahan
tayo, sawang-sawa ka na kagaya ng pagiging sawa ko ng maging tambay. Panibagong
plot twist: Susunod ka parin sa mga rules kahit na sinabi kong sawang-sawa ka
na at sumang-ayon ka. Natatakot ka kasi, lagi naman tayong takot sumubok ng
bago, kaya marami pa ring hindi umuunlad.
Nagtataka ka kung anong kaugnayan ng quote sa taas na galing sa guro ko noong Kolehiyo. Trip ko lang ilagay, masama ba? Nasulat ko ang rant na `to dahil diyan. Walang malaking kaugnayan `yan sa sinusulat ko ngayon pero `yan ang nagtulak sa`king magtype sa gitna ng katirikan ng araw sa pinagpu-pwestuhan ko ngayon kagaya ng ang paglalakad sa kahabaan ng Intersection ng San Fernando Pampanga ang nagtulak sa`king makita ang Dream Job ko. At ang pang-huling plot twist: Walang sense ang mga pinagsasasabi ko. Mabuhay ang mga Writer. Bow.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento