“Sharing”
“Pa-share?” `Yan
ang gusto kong sabihin sa katabi ko sa jeep habang todo ang pagpa-party niya sa
lakas ng earphones niya. Sa katunayan lalaki siya at gwapo kung tutuusin, pero
magugulat ka pag narinig mo ang tumutunog sa earphones. Wrecking ball ang tugtog,
hindi naman sa judgemental ako pero mukhang madi-dislocate na kasi ang balikat
niya kayuyugyog at hindi pa doon nagtatapos, nang akmang iaabot niya na ang
bayad kulang na lang ay mapa-ismid ako dahil mas matinis pa ang boses niya
sakin.
“Pa-share?”
Gutom na gutom na`ko ng mga oras na `yon dahil katatapos lang namin mag-shoot
ng Documentary para sa isang major subject ng aking kurso nang may makita akong
kumakain ng lunch sa may malapit sa pinagmi-meeting-an namin at nabighani ako
sa ulam niya, sinigang lang naman, ang all-time favorite ng mga Pilipino. Lalapitan
ko na sana siya para tanungin kung saan niya iyon nabili ng biglang nagtanong
ang ka-grupo ko kung anong pakulo ang dapat naming gawin, napurnada ang dapat
na pagtatanong ko at tiniis ko nalang ang gutom.
“Pa-share?”
Uhaw na uhaw ako noon at kagagaling ko lang sa pagja-jogging sa labas ng dorm
nang madaan ako sa isang tindahan at nakita ko Kuyang nagja-jogging din at may
dalang aso kasabay ng pagbili niya ng Coke. Umandar na naman ang kakapalan ng
mukha ko at gusto ko sanang manghiram ng pambili ng Coke para maibsan ang uhaw
ko at bayaran ko nalang siya pagdating sa dorm ko pero tinablan ako ng hiya kaya
kahit ang linya kong pa-share ay hindi
ko naisantinig. Goodbye Coke ang naging drama ko at umuwi nalang ng dorm para
uminom ng tubig.
Lahat
ng bagay pwedeng i-share, ikaw ba ano ng nai-share mo? Pareho lang tayo ng
hanging hinihingahan kaya wag kang madamot lalo na sa mga nakikita mong tunay
na nangangailangan. Buksan mo ang iyong mga mata at bigyan mo ng tulong, kung
kaya mo ay ba`t hindi mo gawin. Alam ko walang kaugnayan ang mga drama kong
pa-share sa inira-rant ko ngayon, pero balang araw malalaman mo ang lihim na
kahulugan niyan pag ikaw mismo sa sarili mo ang nag-share.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento