Miyerkules, Hulyo 15, 2015

Ang maalam na Rant #11

How to produce magic in a story?


It’s been an hour and I can do nothing but to keep staring at a blank sheet of paper. I don’t know how to start writing a story or a review, ito na ba ang tinatawag nilang ‘Writers Block’?

                Ang totoo niyan gusto kong gumawa ng isang istorya tungkol sa isang supladang babae at weird na lalaki pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan, kagaya ng mga istoryang nagawa ko na ay maaaring hindi ko na din ito ituloy habang nasa kalagitnaan pa lang sa kadahilanang nawala nalang bigla yung apoy na nag-uudyok sa aking ipagpatuloy ang kwento at ang ending nawalan na ng twist ang istorya at naging boring.

                Paano ko nga ba mapapanatiling buhay ang isang istorya? Paano ba magiging kaakit-akit ito sa mga mambabasa? Paano mo ba mapapanatili ang mga mambabasa mo hanggang sa matapos ang kwento? Marami ang mga manunulat na gustong malaman ang mga kasagutan sa mga tanong na iyan. Gusto ko man i-search sa Google ang mga sagot pero naglalaban ang utak at puso ko. Gusto ng utak ko na mag-search na lamang at gusto ng puso ko na analisahin ko ang mga bagay-bagay para mahanap ang mga sagot pero hindi pwedeng mamili ako ng isa sakanila dahil mawawalan ng saysay sa mga bagay-bagay kung isa lang sakanila ang paiiralin ko kung kaya`t naisipan kong pagsamahin ang dalawa.

                Kung hindi mo ako kilala nasisiguro kong mabo-bored ka at iko-close mo na ang rant na ito pero dahil alam kong kailangan mo ito para ma-enhance ang kaalaman mo susubukan kong gawing kaaliw-aliw ang bagay na ito.

                Una sa lahat, sa pagsusulat ng isang kwento kailangan mo ng almusal. Sa paga-almusal ba palaging isa lang ang nakahain? Diba gusto mo may dalawa at tatlong putahe? Ganoon din sa kwento, hindi mo pwedeng hainan ang mambabasa mo ng iisang putahe lang. Kailangan mong maging karinderya na nagbibigay ng mga twist sa bawat putahe, kailangang ang-ayunan ka ng mambabasa mo, kailangan nilang maging curious sa istoryang ginagawa mo.

                Ikalawa, bigyan mo ng compelling syndrome ang mamababasa mo, kailangang ma-attach siya sa kwento, kung kailangang patayin at buhayin mo ang bida gawin mo. In that way makakakuha ka ng response sakanila, bad or good it’s still a response, alam mo na sa point na ‘yon emotionally attached na sila sa mga karakter ng istorya mo.

                Ikatlo at bago ka pa mawalan ng mambabasa, bigyan mo ng kapahingahan ang bida mo bago mo siya bigyan ulit ng pagsubok, kailangan hindi ka nawawalan ng problemang ibibigay sakanya at kung gusto mong manghingi ng problema sakin bibigyan kita, ilan ba? Well, depende sa`yo yan kung hanggang kailan mo kayang patakbuhin ang istorya mo.


                Kahit na alam ko na ang mga bagay na `yan, hindi parin nawawala ang Writers Block ko dahil ang bagay na iyon ay kusa na lamang dumadating sa mga manunulat. Oppppsss! Wait? Writer ako? Dahil may Writers block ako ngayon? Anbelibabol! Ikaw na ang bahalang humusga.

Huwebes, Mayo 28, 2015

Ang Risk Taker na Rant #10

“The Risk Taker and The Ranter”

I picked a random Psychology student and asked him, what is the deeper meaning of the word risk taker? And he answered me “Hindi ko po alam”. I really don`t know why I’m so eager to learn the meaning behind the word ‘risk taker’. Is it only me or it really has an unfathomable meaning behind that fighter word, maybe like that student, I also don’t know.

                                I am once a Nursing student, why did I choose that course? Maybe because it`s my Mother’s dream for me or maybe that course is meant for me, but I was wrong that time because that course just took  one year of my life, I won’t say that I waste my time to that course but I regret writing it on my application form. For a year, all I did was to study human body but it also made me happy at some point because I saw my best of friend during that year.



                After a year, I decided to shift my course from Nursing to Mass Communication, Broadcasting without the knowledge of my parents, I put all my courage filling up that form and writing Broadcasting as my first choice. During my application, my Mother learned that I shifted my course and she didn’t even utter a single protest to it that’s why I think she`s cool to it, but suddenly I received a silent treatment that lasted for a month.

                Even though I don’t know if I’ll pass that time, I still took the risk because I know that, that time is a do or die choice, it will give a big impact to my future and fortunately I passed the shifters exam, I don’t know if I became a risk taker with that simple act.

                As I wake up with a degree of my dreams I actually realize that yes, I am a risk taker. It’s a process of a decision wherein you need to sacrifice a thing and do what you want without even an assurance. I sacrifice the dream of my loving parents just to achieve my own and yes, I can call myself a selfish asshole for that, but that can hinder me from reaching my dreams and doing what I want because I didn’t regret disobeying my parents, not now that I know that they are happy for me finishing my course and contented seeing me walking to the stage wearing my Academic Gown and getting my Diploma.




                It’s worth the wait and the fight. Watch me finding my dream job and fighting all the hindrance that may come into my way.

Mapangbatikos na Rant #9

“Batikos”

Sa umpisa lang kayo magaling, papagawa ng kalsadang ayos naman, ipapasira `yung tulay na maayos. Kailan kaya magiging payapa ang takbo ng Gobyerno?

                Tuwing panahon ng eleksyon puro mukha niyo ang  nakikita. “Vote for..”, “Para sa pagbabago..”. Pagbabago niyo mukha niyo dahil hanggang ngayon ay wala paring pagbabago sa sistema ng Gobyerno. Talamak pa rin ang mga taong kurakot.

                Nasaan na ang issue ng pork barrel fund? Nawala na at ni hindi ko na nakikita sa telebisyon. Oo at naging malaking issue `yon pero kung tutuusin isa parin iyong must-see news kaya dapat ay umeere pa rin ang mga ganoong balita.



                Nasaan na ang issue ng Fallen 44? Sigurado ba kayo na nabigyan na sila ng hustisya at natatahimik na ang kanilang mga kaluluwa sa kabilang buhay? Namatay at nahuli ang may kasalanan, hanggang doon na lang ba `yon?

                Bakit natalo si Pacquiao? Kung yakap lang naman ng yakap si Mayweather sa ating Congressman. Sabihin man nating mali ay hindi pa rin naging unfair ang laban dahil alam ng lahat na iyon ay isang etratehiya para manalo sa laban.

                Tuwing magkakaroon live airing ng meeting ng Kongreso sa balita, naririnig mo ang mga tawag nila sa mga nakahalal. Honorable? Mas dapat atang itawag iyan sa mga magsasakang hanggang ngayon ay hindi parin nakukuha ang lupang para sakanila. Mas nararapat itawag `yan sa mga taong nagtatrabaho at nagbabayad ng buwis sa Gobyerno.



                Para saan ito? Wala lang, trip lang, kagaya ng mga trip ng ibang taong nagmamalinis at ipinapasa sa iba ang kasalanan nila kahit na kitang-kita naman sa ebidensya na sila ang may kagagawan. Isang mapagkunwaring lipunan, hanggang kailan kaya kita matitiis?

                Sa susunod na halalan ay iboto niyo po ako. Bining para Presidente, “Presidente ng mga luhaan sa pag-ibig”.

                

Sharing Rants #8

“Sharing”

“Pa-share?” `Yan ang gusto kong sabihin sa katabi ko sa jeep habang todo ang pagpa-party niya sa lakas ng earphones niya. Sa katunayan lalaki siya at gwapo kung tutuusin, pero magugulat ka pag narinig mo ang tumutunog sa earphones. Wrecking ball ang tugtog, hindi naman sa judgemental ako pero mukhang madi-dislocate na kasi ang balikat niya kayuyugyog at hindi pa doon nagtatapos, nang akmang iaabot niya na ang bayad kulang na lang ay mapa-ismid ako dahil mas matinis pa ang boses niya sakin.



                “Pa-share?” Gutom na gutom na`ko ng mga oras na `yon dahil katatapos lang namin mag-shoot ng Documentary para sa isang major subject ng aking kurso nang may makita akong kumakain ng lunch sa may malapit sa pinagmi-meeting-an namin at nabighani ako sa ulam niya, sinigang lang naman, ang all-time favorite ng mga Pilipino. Lalapitan ko na sana siya para tanungin kung saan niya iyon nabili ng biglang nagtanong ang ka-grupo ko kung anong pakulo ang dapat naming gawin, napurnada ang dapat na pagtatanong ko at tiniis ko nalang ang gutom.

                “Pa-share?” Uhaw na uhaw ako noon at kagagaling ko lang sa pagja-jogging sa labas ng dorm nang madaan ako sa isang tindahan at nakita ko Kuyang nagja-jogging din at may dalang aso kasabay ng pagbili niya ng Coke. Umandar na naman ang kakapalan ng mukha ko at gusto ko sanang manghiram ng pambili ng Coke para maibsan ang uhaw ko at bayaran ko nalang siya pagdating sa dorm ko pero tinablan ako ng hiya kaya kahit ang linya kong  pa-share ay hindi ko naisantinig. Goodbye Coke ang naging drama ko at umuwi nalang ng dorm para uminom ng tubig.




                Lahat ng bagay pwedeng i-share, ikaw ba ano ng nai-share mo? Pareho lang tayo ng hanging hinihingahan kaya wag kang madamot lalo na sa mga nakikita mong tunay na nangangailangan. Buksan mo ang iyong mga mata at bigyan mo ng tulong, kung kaya mo ay ba`t hindi mo gawin. Alam ko walang kaugnayan ang mga drama kong pa-share sa inira-rant ko ngayon, pero balang araw malalaman mo ang lihim na kahulugan niyan pag ikaw mismo sa sarili mo ang nag-share.

Mapanghusgang Rant #7

"Disgrasyada"


“Buntis ka pala?”

“Hindi ko akalaing mabubuntis ka. Validictorian ka noong Elementary tayo di ba?”

“Alam mo ba, buntis na daw si ganito? Tapos tinakasan daw nung Tatay ng bata.”



                Nakakatawang isipin na marami talaga sa mga tao ngayon ang lubos na mapanghusga, kung sino pa ang kaibigan mo, kung sino pa ang kamag—anak mo at kung sino pa ang mga pinagkakatiwalaan mo ay sila pa ang maninira sa`yo.

                Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na marami ngayon ang nabubuntis ng maaga, pero sapat na ba ang dahilang iyon para husgahan sila at pagtsismis-an habang nagma-majong kayo ng mga kumare mo sa sugalan? Naitanong mo ba sa kanila kung bakit nangyari `yon? Narinig mo ba ang kwento ng buhay nila para husgahan mo sila ng ganon- ganon na lang?



                Naisip mo ba na bawat salitang namumutawi sa bibig mo ay maaaring makasakit at makapatay ng tao? Ilagay mo ang sarili mo sa sitwasyon nila at organisahin ang mga bagay na magagawa kung sakaling sa`yo mangyari ang bagay na `yon.

                Ilagay mo sa lugar ang mga sinasabi mo. Anong masama kung batang ina siya? Hindi mo siya dapat husgahan dahil lang sa kamaliang nagawa niya kung nagpupursige pa rin naman siyang maiahon ang sarili niya sa putikan at maging matagumpay. Anong masama kung single mother siya? Dapat pa nga siyang parangalan dahil naitaguyod niya ang kanyang anak ng mag-isa.




                Wala na tayo sa makalumang panahon ngunit hindi ko din sinasabi na okay lang magpabuntis ng maaga, ang sa`kin ay hindi tayo mga mangmang para manghusga sa mga taong hindi karapatdapat hiyain. Hindi lahat ng maagang nabubuntis ay malandi o masamang babae, huwag mong pakialaman ang mga bagay na wala ka namang kinalaman. Bow. 

Sabado, Mayo 2, 2015

Nagfi-feeling Writer na Rant #5

"A Jobless Blogger"

Before, I thought writing bores the hell out of me because I thought that I am not meant to do this thing. I didn`t excel in it. It takes a lot of effort to write, you need to think, think and think, and I was like, “Duh? I`m not that good in Writing but why am I doing this thing?”, “For money? Of course not, I’m not earning while creating things for my blog.”

I’m like a scared cat. Afraid of knowing that my grammar is wrong and others might criticize my works. I’m troubled that someone may plagiarize my work although I know that I am not that good, I’m still anxious. I can`t write a lot every time I think that I am not good enough to create an article. I want my concepts to be unique, I don`t care if I don`t have any readers, all I want is to release my stress through writing. 


I can`t finish a book or even a novel, I’m just a little dreamer who wishes to write a whole length story for my friends and for those people who criticize me ever since I’m still a grade school student. I don`t have any grudges to those people, I set them as my inspiration that`s why I pursue writing things like this one. For them it`s just a waste or an empty folder that needs to be recycled. At least I got that feeling of being reprocess, recovered to be a nice catch.

I realized that in writing you don`t need to be smart, intelligent, genius or any other words just to describe being a walking dictionary, you just need to be hardworking and be you. As for me to grow I’m now doing some researches, Interviews, reading a lot of books and brainstorming ideas. For the record, I’m not a diligent person; I usually sleep, eat, surf, eat, and sleep. That`s my life while waiting for my dream job to hire me. I forgot to mention that I am also doing two things just to escape in my boring life. I write things like this and create some segments that might air on the television. Yes, you`re right. I’m not smart but at least I am a degree holder and I finished two courses plus a year being a Nursing student.


From now on, I`ll exert more effort to prove that writing is not boring, not hard, and not a non-sense thing. I will write things that might help you think that writing is a fun thing to do. I will help you discharge those not-so-good moments in writing by means of letting you see how cool it is to write, not thinking about wrong grammars, spellings, and criticisms just letting go of those frustrations that you`ve been through and pleasuring yourself by means of writing.

I’m planning to inspire, give some advises and give myself a chance to enhance my knowledge and comprehension skills. Am I doing some charitable things? No, because I’m doing this things for myself.


Now, I know what`s on your mind. You`re thinking that I am a boring person because I write things like this, but think again, think, think, and think. Yeah, what a boring life I have. I’m a boring jobless girl. Kidding.

Mapangaraping Rant #4

"Dream Dad este Dream Job"

“Isa akong fresh graduate na ang pangarap ay maging Producer.”

                Sa ngayon ay wala akong trabaho, tanong mo sa`kin kung bakit. Oh well, kahit hindi mo itanong sasabihin ko pa rin dahil blog ko `to. Gago kasi ako.

                I applied for the position of Account Executive on Job Street for almost 20 times, I thought it`s the best job that suits me. Nagulat ka no? English pa `yan para ramdam mo na pang-Account Executive ang dating, pero hanggang diyan nalang `yan. Hindi kasi pang-Account Executive ang Lola mo, dahil bobo ako sa Math at ayoko ng mga trabahong buburuhin lang ako sa opisina.



               April 23, 2015, nag-apply ako sa isang station na sobrang gustong-gusto ng Mama ko, itago nalang natin sa pangalang “DMUW 93”. Habang nasa jeep ako isa lang ang nasa isip ko noon “Saan ba `yon? Pag ako naligaw mangangamoy araw ako.” Ang init kasi nang mga oras na iyon. Para sure tinawagan ko `yung kaibigan ko tinanong ko siya, “Brad, saan `yong DMUW 93?” May sinabi siyang establishment, sinunod ko naman siya pero dahil may balat ako sa pwet, the situation made what my mind thinks of, in short “NALIGAW PO AKO” binaba ako ni Manong Driver sa may Intersection. Tinawagan ko ulit `yung kaibigan ko at tinanong ko kung saan ako, sabi niya lumagpas daw.

                Para makasigurado na`ko naglakad ako pabalik para mahanap ang DMUW 93, buti nalang naka-rubber shoes ako kundi napaltos na paa ko sa mga lintik na heels. Iniisip mo siguro na para sa maga-apply ng trabaho napakainappropiate ng rubber shoes ko para matuwa ka sasabihin ko na din sa`yong naka-tee shirt ako na may checkered na long sleeves at fitted jeans na tupi ang ilalim na parang gagala lang. Tigilan mo `yang pagkunot ng noo mo, `yun ang gusto kong isuot dahil doon ako mas komportable.

                Habang naglalakad ako may naalala ako, kaka-facial mask lang pala ng mukha ko pero sinuugod ko na sa katirikan ng araw. Iba talaga ang kagaguhan ko. Dahil sa iniisip ko ang mukha kong di kagandahan natapilok ako kasabay ng may nagtext sakin “Good day! This is from *medyo big company*. We received your application and we would like to consider...” Napaisip ako kung tutuloy ko pa ang pag-aapply sa DMUW 93 pero dahil nakita ko na `yung Building tinuloy ko na, nagpasa ako ng Resume at nag-fill up ng application form kasabay narin ng pagbati ko sa mga kakilala ko. P.S. Hindi ako peymus, mga kaibigan ko po talaga sila. Pag-alis ko ng building wala akong makitang pedestrian lane, hindi ko naman isuugal ang buhay ko sa mahabang kalsada na `yon kaya naisipan kong maglakad ng lang papuntang Mall kasi kung sasakay ako ng jeep kakailanganin ko munang tumawid.



               Habang naglalakad ako iniisip ko kung ano bang mas magandang trabaho, `yun bang naghihintay sakin, `yung nagtext o `yung inapply-an ko palang. “BEEEEEP!” Sorry sa lame na sound effects pero bumusina lang po `yung Victory Liner na Bus habang padaan sakin, sabog confetti este sabog eardrums. Kulang nalang murahin ko `yung Driver, pasalamat ka kuya hindi ko natandaan plate number mo kundi isusumbong kita sa LTFRB. Pero thank you din Kuyang Driver kasi dahil `yung busina mo ang naging wakeup call ko. `Yung businang `yon ang dahilan kung bakit ko dinecline `yung text na nareceive ko at napagdesisyunang hintayin ang text nang trabahong inapply-an ko sa araw na `yon.

                Naging steady na ang utak ko at naalalang pangarap ko nga palang maging Producer, hindi man Producer ang umpisa ko alam ko sa sarili kong doon parin ako papunta. Lahat naman kailangan dumaan sa hagdan pag sira ang elevator. Para sakin shortcut ang elevator, lahat ng mabilis umangat, mabilis ding bumabagsak.  Sa building na `yon nasa Fourth Floor ang pangarap ko, maghahagdan muna ako base a kakayahan ko, bawat hagdan may stop over para matuto ako and I`m willing to take that stop over, for me to get my dream. Ow yes! Ang lalim.



                `Yun ang istorya ng kagaguhan ko. Sabi nga nung kaibigan ko, “Gaga ka, ba`t hindi mo pa tinanggap `yung isa.” Sabi ko naman, “Kilala mo `ko. Pag gusto ko gusto ko, gumagawa ako ng paraan para makuha `yung gusto ko, kung noong internship nga naka-tatlong pasa ako ng Resume dahil dun ko gustong mag-OJT, dito pa kaya sa Dream Job ko?”



             Sa tingin mo ba gago ko dahil hindi ko tinanggap `yung ibang trabaho at gusto kong mag-stick to one?

                Uulitin ko ang mga sinabi ko sa itaas, “Isa akong fresh graduate na ang pangarap ay maging isang Producer”. Isa pa, “Sa ngayon ay tambay din akong maituturing dahil umaasa ako sa mga magulang ko habang nagta-type ng mga rants na pampatanggal ng boredom habang kumakain ng Chichirya ay paubos na ang ipon ko na pangsustentong tambay.

P.S. Sorry for those offensive words like “gago”.

Ang Plot Twist na Rant #3

PLOT TWIST: Hindi ako Writer

“In writing, meaning is more important than form.” –Mr. Santos, Research Instructor

                Sa totoo lang kinaiinisan ko ang pagsusulat, `yun bang tipong tinatamad ako pag ginagawa ko `yung bagay na `yon. Nabo-bored ako kasi feeling ko walang lumalabas na magandang bagay mula sa utak ko. Hindi ako makasulat ng mabilis, `yun bang tipong makakatapos ako ng article within 30 minutes, feeling ko ang tagal na, na para bang naka-limang oras lang akong naka-upo habang walang ibang ginagawa  kungdi pigain `yung utak ko. Pero alam mo ba kung ano  `yung twist: Dati `yon.

                Sa tanang buhay ko hindi ko inisip na magiging writer ako, tuwing pinapagawa kami nang composition noong High School feeling ko pinagbagsakan ako ng mundo. “Wala na naman akong masusulat. Puro kagaguhan.” Pigang-piga `yung utak ko noon, sino ba namang gustong magsulat ng mga ginawa mo noong bakasyon? Paano pa sa`kin na kailangan umimbento ng mga kwento para lang matapos ang komposisyong `yon. Hello? Pagtatambay lang po ang ginawa ko noong bakasyon, paano ko pahahabain `yon, `yung bang tipong back to back ng isang mahabang Yellow Pad. Kung hindi ko lang iniisip `yung grades ko ng mga panahong `yon ang isusulat ko talaga ay “What I did was eat, sleep, eat sleep, internet surfing and sleep again. The End.” Baka ang maging plot twist ng buhay ko ay 30 years old akong gumraduate ng High School.


               Siguro naguguluhan ka na kasi sinasabi ko `yung mga bagay na `yon habang sinusulat ko `to. Iniisip mo din siguro ngayon na naging Writer ako. Sad to say pero ang isang malaking plot twist ng komposisyong ito ay hindi po Writer ang trabaho ko. Isa po akong tambay ngayon na umaasa sa mga magulang ko habang naghahanap ng trabaho at sinusulat ang rant na ito dahil sa sobrang pagka-boring. Sorry, wala bang tumama sa hula mo? Wag kang mag-alala, sa susunod ipapabasa ko sa`yo `yung mababaw kong rants para ma-hit mo agad ang jackpot.


                Akala mo ba tapos na kasi sinabi ko ng hindi mo na-hit ang 1 million dahil mali ang hula mo na hindi Writer ang propesyon ko? Hindi pa, kasi aamin ako sa`yo na nagsusulat ako ng mga kwento sa Wattpad pero puro kagaguhan `yung laman pero hindi rin ibig sabihin noon na Writer ang propesyon ko, in short hindi no`n mababago ang katotohanang tambay pa rin ako. 



               Sa pagsusulat ko ng rant na ito wala akong sinunod na format kagaya nang ginagawa ko nung High School na Beginning, Body at Conclusion, kaya siguro madalas akong talo noon sa mga Writing Competition kasi tatlong paragraph lang ang lagi kong ginagawa kasi `yun ang sabi sakin na magandang gawin. Naniwala ako sakanila, lagi kasi akong sumusunod sa mga rules, mabait kaya ako. Pero noong nag fourth year College ako, isa ata ako sa mga pasaway, siguro nagsawa na `ko sa kakasunod sa mga rules. Ikaw ba `di ka nagsasawa? Pustahan tayo, sawang-sawa ka na kagaya ng pagiging sawa ko ng maging tambay. Panibagong plot twist: Susunod ka parin sa mga rules kahit na sinabi kong sawang-sawa ka na at sumang-ayon ka. Natatakot ka kasi, lagi naman tayong takot sumubok ng bago, kaya marami pa ring hindi umuunlad.


                Nagtataka ka kung anong kaugnayan ng quote sa taas na galing sa guro ko noong Kolehiyo. Trip ko lang ilagay, masama ba? Nasulat ko ang rant na `to dahil diyan. Walang malaking kaugnayan `yan sa sinusulat ko ngayon pero `yan ang nagtulak sa`king magtype sa gitna ng katirikan ng araw sa pinagpu-pwestuhan ko ngayon kagaya ng ang paglalakad sa kahabaan ng Intersection ng San Fernando Pampanga ang nagtulak sa`king makita ang Dream Job ko. At ang pang-huling plot twist: Walang sense ang mga pinagsasasabi ko. Mabuhay ang mga Writer. Bow.

Matapang na Rant #2

"HOW TO GET A MAN"

“Pero tip lang kung manliligaw ka ng guy. Dapat `yung tipong nandiyan ka pag may problema siya, parang kunwari bestfriend ka. Pero syempre konting paramdam din, baka ma-friendzone ka. Tapos `yun, huwag mong bibiglain. Ganun ako napa-fall nung ex (girlfriend) ko dati. Tapos biglang ako na `yung nanligaw.” -Arch. Reyes, my friend

Maarte ako pero hindi malandi, kung tatanungin mo kung bakit `yan sinabi ng kaibigan ko sasagutin kita ng diretso. Oo, nanligaw ng lalaki pero hindi ibig sabihin noon malandi na`ko, sadyang makapal lang ang mukha ko at malakas ang loob ko. Sasabihin ng iba palusot ko lang `yon pero `yun ang totoo sa maniwala ka man at sa hindi. Alam ko nagtataka ka rin ngayon kung bakla ba `ko. FYI lang babae po ako, `di ganun kagandahan pero may laman naman ang utak kahit papano at para matahimik ka, oo, nagtataas ako ng sarili kong bangko. Sino pa ba susuporta kungdi sarili ko diba.

                Back to my story, nanligaw ako at nabasted, not once but twice. May mga nanliligaw naman sakin at binabasted ko everytime na magtatanong sila kung pwedeng manligaw. Oooops! Wag munang manghusga, naniniwala kasi ako na “Pag hindi mo gusto, huwag mong paasahin.” `Yun din siguro ang dahilan pananaw nung mga binalak kong ligawan.

                Bakit ako nanliligaw? Hindi ko isasagot sa`yo na nasa modernong panahon na tayo ngayon dahil alam ko na kahit nasa panahon na tayo ng teknolohiya ay lalaki parin ang nanliligaw. Hindi din ako liberated kasi Manang ako at laking rubber shoes (Walang connect). Hindi ko rin trip `yung manligaw ng lalaki. Naniniwala kasi ako kahit ano pang gender mo pwede kang manligaw ng opposite sex.


Umpisahan natin sa unang lalaking niligawan ko way back 2010. Una sa lahat hindi pa `ko gurang 21 years old palang ako ngayon (Wala na namang connect). Magkasama kami noon sa Journalism, kinuha ko number niya tapos tinutulungan ko siyang gumawa ng mga naka-assign sakanya. Nagpapa-excuse ako sa Coach ko kahit wala naman akong gagawin pero dahil favorite ako ni Coach, mang-uutos agad siya ng estudyante para i-excuse ako. Dun na nagsimula `yung panliligaw ko, sa katunayan hindi niya ko binasted pero unti-unting nawala `yung communication namin hanggang sa malaman kong may boyfriend daw siya, nagulat ako. Boyfriend? So, alam na this. Hindi ko na kinonfirm kung totoo nga, ini-unfriend na nga niya ko sa Facebook aalamin ko pa ba, hindi naman ako `yung tipong habol ng habol. End of first story.

                Kwento ko pa ba `yung pangalawa? Kahit humindi ka, iku-kwento ko pa rin. Nitong 2015 lang, recent na recent di ba? Hindi niya ko direktang binasted pero alam kong `yun ang ibig sabihin nung mga sagot niya, in short `di niya ko type. End of second story.


                Dumating `yung mga tip ni Arch, Reyes kaya naisipan kong i-blog `tong story at i-share sainyo. To make it more knowledgeable, I make a procedural process on how to get a man not a boy nor a guy. Redundant? No.


First, gaya ng sabi niya dapat nandiyan ka pag may problema siya, ibig sabihin dapat friends kayo. Wag kang pipili ng kung sino-sino dapat kaibiganin muna para magsabi sa`yo ng problema. Kaya ikaw na nagbabasa ngayon, wag pakyeme-kyeme tanungin muna `yung kaibigan mo kung may problema ba siya. Boom kara-karaka na, baka naman patumpik-tumpik ka pa.

Second, gaya nga ng sabi ni Arch. Reyes, iwasang ma-friendzone kaya konting paramdam din, kunin mo `yung mga line sa drama na “Okay lang `yan. Nandito lang ako.”  Bigyan mo ng assurance na `di mo iiwan. Wag mo lang iwasang ma-friendzone, iwasan mo ding ma-seenzone pilitin mong makakuha ng response mula sakanya, `yan ang isa sa mga pinaka-importanteng bagay, response, it`s either bad or good response. Now, be sure to take the latter part.



           Third, wag mong bibiglain, kumbaga sa pagkain hinay-hinay lang `yung tipong ngunguyain mong mabuti in short pa-demure. Dumaan ka sa proseso, hindi maganda `yung nambibigla baka imbes na makuha mo siya, ma-heart attack pa siya sa`yo. Ibig sabihin, hayaan mo munang siya ang unang magparamdam sa`yo, hintayin mong maramdaman mong may gusto narin siya sa`yo, pag hindi pa rin nanligaw ikaw na ang magtanong, pero bago `yung mga `yan siguraduhin mo munang wala siyang asawa, girlfriend, nililigawan, o ka-M.U.-han. Pag binasted ka, sumbong mo sa`kin. Sumbong mo lang, wala naman tayong magagawa kundi tanggapin `yung desisyon niya.


Pang-apat at huli sa lahat, brace yourself because you`re taking a risk. Dapat handa ka sa magiging kahihinatnan o kalalabasan ng mga bagay-bagay.

I`m not saying na effective `yang mga nakasulat sa itaas, dahil para mai-prove ang isang bagay, kailangan munang pag-aralan ng mga scholars at gawan ng mga experiments o kung ano mang mga Statistics para lang mapatunayan. Itong mga procedures na ito`y pinapatunay lamang ng tatlong tao, ako, si Arch. Reyes at ang ex-girlfriend niya kaya depende sa`yo kung willing kang mag-take ng risk.

Tigilan mo ang pagka-bitter at huwag hugot ng hugot mula sa mga lines ni Marcelo at Love Adviser. Hayaan mong ikaw mismo ang bumuo ng sarili mong linya ng pag-ibig. Ewww! Korni.

P.S. Medyo kinabahan po ako nung uminom ako ng Milk Tea pero nasatisfy no`n ang cravings ko. I took the risk.



Mapangahas na Rant #1

                              "Nang dahil sa ako ang napansin" (Kwento ng Pakikipagdigma)


  Nag-aaral ako sa isang Unibersidad sa Bulacan, gaya ng isang normal na paaralan kailangan magsuot ng uniporme araw-araw ngunit dahil sa wala naman akong pasok at may photoshoot lamang kami sa loob ng school, nagsuot ako ng palda dahil iyon ang kinakailangan. Papasok na sana ko ng gate nang hinarang ako ng Guard, ayon na din sa kanyang trabaho naintindihan ko kung bakit niya ko hinarang, sinabi ko sakanya ang aking dahilan pero ang ginawa niya ay iminuestra ang kanyang kamay na parang nagpapa-alis ng aso at sinabi ang salitang ‘Alis’, `yun ang ginawa niya pero nakakabastos ang paraan ng pagpapa-alis niya.
                Umalis ako, pero nang maisip ko na hindi tama ang ginawa niya at valid ang rason ko, bumalik ako ng makasalubong ko ang mga kaklase ko. Ganun pa rin ang muestra ng kamay niya ng magbalak ulit akong pumasok. Sinubukan ko ulit maki-usap at kahit na may inis na sa akin ay gumagamit parin ako ng po at opo pero ang masaklap, habang nanahimik na ako ay paulit-ulit pa rin ang sinasabi niya na hindi daw valid ang rason ko at kung ano- ano pa. Habang kinukuha at fini-fill up-an na niya ang slip kasabay ng pahinto-hinto niyang pagsulat ay ang walang tigil na pagalit na sermon niya sakin na kung tutuusin ay pang-limang beses na niyang sinabi kaya’t napilitan ulit akong magsalita dahil na rin sa late na kami ng isang oras ng mga kaklase ko, ang sabi ko sakanya ay ‘Kuya, okay na po’ pero huminto siya sa pagsusulat ng slip at nagalit, sabi niya ‘Pagbibigyan na sana kita e’. Naalarma naman ako sabi ko ay ‘Paano po ako makaka-photoshoot?’ Sabi niya ay ‘Wala akong pakialam’ at binalingan niya ang mga kaklase ko habang sinasabing ‘Iwanan niyo na `to’, hindi naman ako iniwan ng mga kaklase ko sa kadahilanang alam nilang ako’y napagbubuntungan lang ng Guard. Inulit `ko ang tanong ko sa Guard ‘Paano po ako makaka-photoshoot?’ Kinuha niya ang ID ko at dinala sa Guard House at sinabing ‘Doon ka sa loob’.

              
                Sa loob ng Guard House ay nakausap ko ang Head nila. Sinabi ko ang rason ko ngunit hindi rin ito nakinig at katulad ng naunang Guard, kinuha niya ang COR ko at tinanong ang Affiliations ko pa sa Unibersidad, sinabi ko na ‘Part-timer po sa ganitong Office’. Tinawagan niya ang Office na `yon at sinabihan ang Head. Ang akin lang ay bakit kailangan tawagan ang pinagtatrabauhan ko na wala naman kinalaman sa pagpapalda ko ng araw na iyon. Nainis ako pero hindi nalang ako kumibo pero nagpanting ang tenga ko nang bantaan ako ng ‘NAKU BAKA HINDI KA PA MAKA-GRADUATE NIYAN’ nasagad na ang power meter ng anger ko. Ngumiti nalang ako at sinabing ‘Bakit naman po?’ hindi sila sumagot at dahil alam kong tama ako pinabayaan ko nalang. Binigyan ako ng slip at ang nakalagay doon ay ‘Violation for wearing a short skirt’ sa katunayan ay hindi naman maiksi ang palda ko, mayroon nga akong nakikita sa loob ng school na naka-uniform nga pero ang palda niya ay hanggang sa ilalim lang ng pwet pero dahil sa maganda siya ay pinapapasok siya, ba`t alam ko? Dahil lagi ko siyang nakikita sa Kolehiyo namin.

                Noong magpunta ako sa Opisina ng Dekano ng Kolehiyo namin para ipapirma ang slip (kailangan kasing papirmahan iyon para makuha ang ID ko, pero kailangan mo munang maglinis ng Corridor okaya naman ay Office) Nang ipapapirma ko na kay Dean sinabi niya sa ako na ‘VALID NAMAN ANG REASON MO A?’ At pinirmahan ang slip kasabay ng pag pagno-note na papasukin ang lahat ng mga kaklase ko sa araw na iyon dahil may photoshoot kami.

                Una po sa lahat hindi po ako bastos katulad ng ibang mga estudyante na binabastos ang mga Guard, pinalaki po ako ng mga magulang ko na may galang. Para po bastusin niyo ko ng ganon at itaboy na parang hayop, hindi po ba’t nakakadegrade po iyon sa pagkatao ko?

                Pagdating ng Sabado marami akong nakitang mga estudyanteng nakapalda ng mas maikli pa sa palda ko at mayroon pa ngang mga mga naka-pekpek shorts. Manong Guard? Nasan na po ang mga sinasabi niyong nakasaad sa manual? Nasaan na po `yung mga pinagsasabi niyo sakin na bawal magpalda? Ano po bang rason nila at nakapasok po sila? Mas valid po ba sa rason ko kaya’t nakapasok sila? Hindi lang po sampu ang nakita kong nakapalda at short. Ganun po ba talaga? May dikriminasyon? At base po sa nakita ko halos magaganda po `yung mga nakapalda at short. Manong guard na ang apelido ay De Guzman, ano pong sinabi nila sa`yo para makapasok? At ano din pong karapatan niyong paalisin ako na parang hayop? Alam niyo po ba na gusto ko magdemand na alisin po kayo sa trabaho niyo pero inaalala ko po ang pamilya niyo? Sana sa suunod makinig po kayo sa rason ng mga estudyante.