"HOW TO GET A MAN"
“Pero tip lang kung manliligaw ka ng guy. Dapat `yung tipong
nandiyan ka pag may problema siya, parang kunwari bestfriend ka. Pero syempre
konting paramdam din, baka ma-friendzone ka. Tapos `yun, huwag mong bibiglain.
Ganun ako napa-fall nung ex (girlfriend) ko dati. Tapos biglang ako na `yung
nanligaw.” -Arch. Reyes, my friend
Maarte ako pero hindi malandi, kung tatanungin mo kung bakit
`yan sinabi ng kaibigan ko sasagutin kita ng diretso. Oo, nanligaw ng lalaki
pero hindi ibig sabihin noon malandi na`ko, sadyang makapal lang ang mukha ko
at malakas ang loob ko. Sasabihin ng iba palusot ko lang `yon pero `yun ang
totoo sa maniwala ka man at sa hindi. Alam ko nagtataka ka rin ngayon kung
bakla ba `ko. FYI lang babae po ako, `di ganun kagandahan pero may laman naman
ang utak kahit papano at para matahimik ka, oo, nagtataas ako ng sarili kong
bangko. Sino pa ba susuporta kungdi sarili ko diba.
Back to
my story, nanligaw ako at nabasted, not once but twice. May mga nanliligaw
naman sakin at binabasted ko everytime na magtatanong sila kung pwedeng
manligaw. Oooops! Wag munang manghusga, naniniwala kasi ako na “Pag hindi mo
gusto, huwag mong paasahin.” `Yun din siguro ang dahilan pananaw nung mga
binalak kong ligawan.
Bakit
ako nanliligaw? Hindi ko isasagot sa`yo na nasa modernong panahon na tayo
ngayon dahil alam ko na kahit nasa panahon na tayo ng teknolohiya ay lalaki
parin ang nanliligaw. Hindi din ako liberated kasi Manang ako at laking rubber
shoes (Walang connect). Hindi ko rin trip `yung manligaw ng lalaki. Naniniwala
kasi ako kahit ano pang gender mo pwede kang manligaw ng opposite sex.

Umpisahan natin sa unang lalaking niligawan ko way back
2010. Una sa lahat hindi pa `ko gurang 21 years old palang ako ngayon (Wala na
namang connect). Magkasama kami noon sa Journalism, kinuha ko number niya tapos
tinutulungan ko siyang gumawa ng mga naka-assign sakanya. Nagpapa-excuse ako sa
Coach ko kahit wala naman akong gagawin pero dahil favorite ako ni Coach,
mang-uutos agad siya ng estudyante para i-excuse ako. Dun na nagsimula `yung
panliligaw ko, sa katunayan hindi niya ko binasted pero unti-unting nawala
`yung communication namin hanggang sa malaman kong may boyfriend daw siya,
nagulat ako. Boyfriend? So, alam na this. Hindi ko na kinonfirm kung totoo nga,
ini-unfriend na nga niya ko sa Facebook aalamin ko pa ba, hindi naman ako `yung
tipong habol ng habol. End of first story.
Kwento
ko pa ba `yung pangalawa? Kahit humindi ka, iku-kwento ko pa rin. Nitong 2015
lang, recent na recent di ba? Hindi niya ko direktang binasted pero alam kong
`yun ang ibig sabihin nung mga sagot niya, in short `di niya ko type. End of
second story.
Dumating
`yung mga tip ni Arch, Reyes kaya naisipan kong i-blog `tong story at i-share
sainyo. To make it more knowledgeable, I make a procedural process on how to
get a man not a boy nor a guy. Redundant? No.
First, gaya ng sabi niya dapat nandiyan ka pag may problema
siya, ibig sabihin dapat friends kayo. Wag kang pipili ng kung sino-sino dapat
kaibiganin muna para magsabi sa`yo ng problema. Kaya ikaw na nagbabasa ngayon,
wag pakyeme-kyeme tanungin muna `yung kaibigan mo kung may problema ba siya.
Boom kara-karaka na, baka naman patumpik-tumpik ka pa.
Second, gaya nga ng sabi ni Arch.
Reyes, iwasang ma-friendzone kaya konting paramdam din, kunin mo `yung mga line
sa drama na “Okay lang `yan. Nandito lang ako.”
Bigyan mo ng assurance na `di mo iiwan. Wag mo lang iwasang
ma-friendzone, iwasan mo ding ma-seenzone pilitin mong makakuha ng response
mula sakanya, `yan ang isa sa mga pinaka-importanteng bagay, response, it`s
either bad or good response. Now, be sure to take the latter part.

Third, wag mong bibiglain, kumbaga
sa pagkain hinay-hinay lang `yung tipong ngunguyain mong mabuti in short
pa-demure. Dumaan ka sa proseso, hindi maganda `yung nambibigla baka imbes na
makuha mo siya, ma-heart attack pa siya sa`yo. Ibig sabihin, hayaan mo munang
siya ang unang magparamdam sa`yo, hintayin mong maramdaman mong may gusto narin
siya sa`yo, pag hindi pa rin nanligaw ikaw na ang magtanong, pero bago `yung
mga `yan siguraduhin mo munang wala siyang asawa, girlfriend, nililigawan, o
ka-M.U.-han. Pag binasted ka, sumbong mo sa`kin. Sumbong mo lang, wala naman
tayong magagawa kundi tanggapin `yung desisyon niya.
Pang-apat at huli sa lahat, brace
yourself because you`re taking a risk. Dapat handa ka sa magiging kahihinatnan
o kalalabasan ng mga bagay-bagay.
I`m not saying na effective `yang
mga nakasulat sa itaas, dahil para mai-prove ang isang bagay, kailangan munang
pag-aralan ng mga scholars at gawan ng mga experiments o kung ano mang mga
Statistics para lang mapatunayan. Itong mga procedures na ito`y pinapatunay
lamang ng tatlong tao, ako, si Arch. Reyes at ang ex-girlfriend niya kaya
depende sa`yo kung willing kang mag-take ng risk.
Tigilan mo ang pagka-bitter at
huwag hugot ng hugot mula sa mga lines ni Marcelo at Love Adviser. Hayaan mong
ikaw mismo ang bumuo ng sarili mong linya ng pag-ibig. Ewww! Korni.
P.S. Medyo kinabahan po ako nung uminom ako ng Milk Tea pero
nasatisfy no`n ang cravings ko. I took the risk.